Multimedia

Licab Pamilihang Bayan

“Villarosa Licab, Nueva Ecija”

“THE VISION CONTINUES…..” DOES NOT HAVE A FINISH LINE

Ang Town Boundary Arch sa hangganan ng Bayan ng Quezon at Bayan ng Licab ay tapos na. Ito ay naghihintay na lang na pasinayaan.

Ang konkretong bantayog na ito ay may simpleng disenyo, ngunit matibay ang pagkakagawa. Sa paniwala ng maraming nakakita, ito ay naglalarawan ng ipinagmamalaking katangian ng munting Bayan ng Licab – ang pagiging payak at tahimik na pamayanan at ang tibay at katatagan ng paninindigan ng mga Licabenyo.

Mayroon ding Boundary Marker sa pagitan ng Bayan ng Victoria, Tarlac at Bayan ng Licab, na ang hugis at disenyo ay katulad din ng bagong gawang arkong ito. Ang dalawang arko ay sumisimbolo ng katahimikan ng Licab at katatagan at tibay ng paninindigan ng mga mamamayang Licabenyo.

Ang bagong proyektong ito ay bahagi ng “The Vision Continues…..” sa ilalim ng administrasyon ni Mayora Femy Domingo. Ang naturang bisyon ay sinimulan ni Mayor Willy Domingo. Ito ay ipinagpapatuloy ng kasalukuyang administrasyon.

𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐃𝐑𝐀𝐈𝐍𝐀𝐆𝐄 𝐀𝐓 𝐅𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐎𝐋 𝐃𝐈𝐊𝐄

Bilang kinatawan ng Sambayanang Licabenyo, ipinararating ko ang taus-pusong pasasalamat ng mga mamamayan ng Licab kay 𝙂𝙤𝙫𝙚𝙧𝙣𝙤𝙧 𝘼𝙐𝙍𝙀𝙇𝙄𝙊 “𝙊𝙔𝙄𝙀” 𝙈𝘼𝙏𝙄𝘼𝙎 𝙐𝙈𝘼𝙇𝙄 at kay 𝘾𝙤𝙣𝙜𝙧𝙚𝙨𝙨𝙬𝙤𝙢𝙖𝙣 𝙈𝙄𝙆𝘼 𝙎𝙐𝘼𝙉𝙎𝙄𝙉𝙂, sa maraming tulong at biyaya na kanilang naibabahagi.

Ang mga proyektong municipal drainage at concrete sidewalk sa ating bayan ay naibigay sa atin sa pamamagitan ni Gov. Umali. Ang flood control dike na kasalukuyang ginagawa sa kahabana ng Labong River, ay proyekto ni Congresswoman Mika Suansing. Malaki ang kabutihang maidudulot ng mga proyektong ito sa Bayan ng Licab.

Bukod sa mga nabanggit na mga pagawaing-bayan, marami pang ibang mga tulong ang ipinararating dito sa atin ni Gov. Umali at Congresswoman Suansing.

Ang Bayan ng Licab ay totoong pinagpala sa pagkakaroon ng kapanalig o “kasangga” sa Lalawigan, sa katauhan ni Gov. Umali, at sa Unang Distrito, sa katauhan ni Cong. Suansing. Dahil sa ating masugid na pagsisikap at pagpupunyagi, at sa suportang tinatanggap natin buhat sa mga “kasangga”, maasahang tuloy-tuloy ang pagsulong at pag-angat ng Licab.

Gov. Umali at Congresswoman Suansing, MARAMING SALAMAT buhat sa lahat ng Licabenyo!

𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝 𝐃𝐚𝐲

Ang pambungad na bilang sa palatuntunan ng 129th Founding Anniversary of Licab ay ang DepEd Day. Ito ay palabas ng mga magaaral at mga guro.

Ito ay umani ng mga papuri buhat sa lahat ng mga nanuod.

Nagpakita ng galing sa iba’t-ibang klase ng sayaw ang mga magaaral at ang mga guro. Lahat ng bahagi ng palatuntunan ay may pinatutungkulang kaugalian, gawi at kultura ng mga Likabenyo.

Di magkamayaw sa saya ang mga magulang, mga guro, at ang lahat ng mga nanuod.

Natatangi ang palabas na ito dahil sa nagagandahang mga costume o kasuotan ng mga nagsayaw, at mga props na natutugma sa tema at kahulugan ng mga sayaw. Ito ay pinantayan ng mahusay na pagkakaganap ng mga sayaw.

Walang katapusan ang pagpuri ni Mayora Femy Domingo, Dating Punong Bayan Willy Domingo, Vice Mayor Ver Villaroman at mga Konsehal ng Sangguniang Bayan sa kagalingan ng pagkakasayaw ng mga magaaral at ng mga guro.

Ganap na tagumpay ang pambungad na palatuntunan ng Licab 129th Founding Anniversary.

𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐀𝐍𝐃 𝐓𝐑𝐀𝐃𝐄 𝐅𝐀𝐈𝐑

Ang Food and Trade Fair  ng 129th Founding Anniversary ng Licab ay nagtampok ng mga ipinagmamalaking produkto ng labing-isang (11) Barangay ng Licab.

Naggagandahan ang mga tindang bagong ani at sariwang mga gulay. Bago pa man matapos ang palabas, ay nabili na ang karamihan sa mga paninda. Halos lahat ng dumalo ay umuwing may bitbit na napamili buhat sa Food and Trade Fair.

𝐂𝐎𝐎𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓

Malaking atraksiyon ang cooking contest. Ito ay nagtampok ng produktong nagpakilala sa kagalingan ng mga Licabenyo sa paggawa ng burong isda. Ang paligsahan ay pinangalanang Aling Bising Burong Isda Contest, sa karangalan ni Aling Bising Mangahas, na kilalang pinakamahusay gumawa ng burong isda sa Licab.

Lahat ng Barangay ng Licab ay naglahok ng kanya-kanyang bersiyon ng buro. Lahat at marapat na magwagi, sa lasa at sarap ng mga ito. Ngunit, tatlo lamang ang itinakdang mananalo sa paligsahan, kaya ito ang sinunod ng mga inampalan.

Ang mga nagwagi : Grand Champion – Barangay Poblacion Norte, First Runner Up – Barangay Sta. Maria, at Second Runner Up – Barangay San Cristobal.

𝐁𝐄𝐒𝐓 𝐊𝐔𝐁𝐎 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓

Ang paligsahan ng pinakamagandang kubo ay nagdulot din ng malaking kasayahan sa mga dumalo. Maging ang mga inampalan ay nahirapan sa pamimili ng mga nanalo. Lahat ng entries ay nakasulit sa mga itinakdang panuntunan.

Ngunit, sa wakas, ang mga nagwagi ay : Grand Champion – Barangay Villarosa, First Runner Up – Barangay Tabing Ilog, at Second Runner Up – Barangay San Casimiro.

Ganap na tagumpay ang Food and Trade Fair, Aling Bising Buro Contest at and Best Kubo Competition.

𝐁𝐈𝐍𝐆𝐎 𝐁𝐎𝐍𝐀𝐍𝐙𝐀, 𝐃𝐈𝐍𝐔𝐌𝐎𝐆 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐎-𝐋𝐈𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐂𝐀𝐁𝐄𝐍𝐘𝐎

Napatunayang muli na ang larong bingo ay tunay na bahagi ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas at ng mga Filipino.

Ang Bingo Bonanza, na handog ng ating mahal na Gobernador Aurelio “OYIE” Matias Umali sa mga mamamayan ng Licab, sa pagdiriwang ng Licab 129th Founding Anniversary, ay dinagsa ng libo-libong residente. Napuno ng mga dumalo ang Licab Gymnasium, ang bleachers, ang malaking bahagi ng Liwasang Dalmacio at ang mga magkakatabing gusali sa Licab Municipal premises.

Bukod sa marangya at malalaking premyo, na bigay ni Governor Aurelio “OYIE” Matias Umali, ang Bingo Bonanza ay may additional features pa, tulad ng masayang palatuntunan at musical portions. Sa kabuuan, ang lahat ng mga ito ay nagbigay ng most festive aura at ambience sa okasyon.

At, naging lalo pang kaayaaya sa mga dumalo upang maglaro ng bingo, nang ipahayag na dinagdagan pa ni Ex Mayor Willy Domingo ang mga naunang nabanggit na marangya ng pananalunan ng mga manlalaro.

Bukod sa malalaking cash prizes, may mga home áppliances, television sets, bigas, e-bikes at tricycle ang nasa bingo prize table.

Lahat ay maituturing na nanalo sa Bingo Bonanza dahil ang entertainment value ng pagdiriwang ay walang kapantay. Walang rin namang natalo dahil wala namang bayad ang mga bingo cards.

Ang mga mamamayan ng Licab ay nagpapasalamat kay Governor Aurelio “OYIE” Matias Umali at sa Panlalawigang Pamahalaan. At, gayun din kay Mayora Femy D. Domingo at Ex Mayor Willy Domingo sa pagdudulot ng kasayahan sa Bayan ng Licab.

𝐆𝐔𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍𝐀𝐍 Sinimulan noong ika-9 ng Pebrero, 2023 ang pangkabuhayang gulayan para sa pamayanan. Pinangunahan ni Mayor Femy Domingo ang pamamahagi ng mga punlang gulay sa dalawang naunang Barangay. Nakatanggap ang 16 na benepisyaryo mula sa Barangay ng San Cristobal at 20 na benepisyaryo mula naman sa Barangay San Jose. Nagmula ang dekalidad na mga punla mula sa Bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija. Sa kasalukuyang mayroong 249 trays na punla na ipapamahagi bilang bahagi ng proyekto. Kabilang na dito ang 29 trays ng talong na haba, 60 trays na Taiwan chili, at 160 trays na siling berde. Masusundan pa ito ng iba’t ibang klase ng gulay sa darating na araw na ipapamahagi sa buong bayan ng Licab. Layunin ng programa na patuloy na maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga mamamayan lalo na ng mga kababaihan sa Licab. Patuloy na makikipagtulungan ang mga kawani ng departamento ng agrikultura sa pangunguna ni Lucio Galindez,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *