Licab Profile

logo

LICAB PROFILE

Sa lalawigan ng mexico viagra Nueva Ecija ay matatagpuan ang bayan ng Licab. Ito ay nasa hilagang-kanluran. Humigit-kumulang sa 155 kilometro mula sa Metro cialis england Manila. Ang bayang ito ay fourth class o nasa ikaapat antas kung pagbabatayan ang kabuuang kinikita, populasyon at lawak ng lupaing nasasakupan. Sa kasalukuyan, ito ay cialis dosagem may mahigit 25, 000 mga mamamayan.

ANG SAGISAG NG LICAB

Makikita natin sa gitnang bahagi ang tagapagtatag ng Licab, si Don Dalmacio Casiano Esguerra. Nakataas ang kanyang kaliwang kamay at may canadian pharmacy healthcare hawak na palakol. Ang palakol cialis generic sale na ito ang kanyang ginamit sa paghawan at paglilinis ng bayang ito. Ang kanang mexico propecia kamay niya ay may hawak na bungkos ng palay na siyang pangunahing pananim. Ang sikat ng araw ang kumakatawan sa 11 barangay https://pkptclinic.com/order-generic-viagra/ ng bayang ito. Ang kinatatayuan niyang bukirin na may simbolo ng walang hanggan o walang katapusang pagsisikap ng pag-unlad.

ANG PANGARAP

Licab, isang tahimik at maunlad na bayan.

ANG MISYON

Gawin ang Licab na isang bayan na mayroon malinis at marangal na pamunuan, maunlad na pamayanan, may paggalang sa karapatang pantao, may kinabukasan ang mga kabataan, may karangalan ang mga katandaan at malinis na kapaligiran.

KASAYSAYAN

Ito ay itinatag noong ika-28 ng Marso, 1894. Si Don Damacio Casiano Esguerra ang nanguna sa pag-aalay ng panahon, kayamanan at lakas upang ito’y maging isang ganap na bayan.

At matapos ang anim na taong pagsasaliksik na pinangunahan ng ating mahal na Punong Bayan ay nabuo ang ipinagmamalaki nating magandang kasaysayan. Noong ika-28 ng Marso, 2008 ay ipinagdiwang ang ika-114 na Taong Pagkakatatag ng bayang ito. Sa isang makasaysayang seremonya ay inilipat ang labi ni Don Dalmacio Esguerra mula sa dati nitong himlayan, ang bakuran ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo patungo sa ilalim ng kanyang bantayog na ipinagawa sa harap ng Munisipyo upang maging palagian niyang himlayan. Masiglang nakilahok ang mga mamamayan sa pangunguna ng Punong Bayan, Pangalawang Punong Bayan, mga bumubuo sa Sangguniang Bayan at ang mga angkan ng Esguerra. At pagkatapos nito ay inihayag sa madla sa kauna-unahang pagkakataon ang bantayog ni Don Dalmacio Esguerra.

Ang bantayog na ito ang katuparan ng pangarap ng ating Punong Bayan, Willy S. Domingo na maitayo sa harap ng Pamahalaang Bayan upang magsilbing alaala sa kadakilaan at kabayanihan na nagawa ni Don Dalmacio Esguerra. Ang kinatatayuan ng bantayog na ito ay pinangalanang Liwasang Dalmacio.

Nang araw na iyon ay binasbasan din ang Bahay Pamahalaan at ipinakita sa publiko ang mga nalimbag na matatandang kagamitan at larawan ng mga unang namuno sa ating bayan.

Makikita rin ang mahalagang kasulatang nagmula sa Pamahalaang Espanya na nagsasaad ng pagkakatatag ng bayan ng Licab noong taong 1894. Agaw-pansin ang kauna-unahang Bibliyang nalimbag na may taong 1885 at ang orihinal na palakol na ginamit ni Don Dalmacio Esguerra sa pangunguna sa paghahawan ng bayang ito.

PAMAHALAAN

Bagama’t salat sa pananalapi, sa pakikiisa ng mga halal ng Bayan ay sinisikap ng Punong Bayan na matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga kababayan.

Sa Bahay Pamahalaan ay mapapansin ang pagkakaroon ng palagiang  tagatanggap sa mga dumarating na panauhin at mga kababayang nangangailangan ng tulong.

AGRIKULTURA

            Pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga taga-Licab.  Palay ang pangunahing pananim. Ito ay itinatanim sa lawak na 4, 716 na ektarya. Sa panahon tag-araw, 4, 139 ang kabuuang lawak ng ektaryang natataniman ng palay. Sa panahon naman ng tag-ulan, 4, 190 ang kabuuang lawak ng ektaryang natataniman nito. Makikita sa graph ang paghahambing ng bilang ng mga magsasaka sa 11 barangay ng Licab at ang distribusyon ng bahagi ng lupang natataniman sa bawat barangay. Sapagkat pinakamalaki ang Brgy. Sta Maria, mapapansin na pinakamalawak ang lupaing nasasaka sa pook na ito. Kaya’t pinakamarami ang mga magsasaka dito. Sumusunod dito ang mga barangay ng  Aquino, Villarosa at San Juan.

            Makikita sa sumusunod na pie graph ang paghahambing sa lawak ng lupaing irrigated o napapatubigan sa pamamagitan ng irrigation system na may lawak na 4, 139 ektarya samantalang ang lawak na napapatubigan sa pamamagitan ng tubig-ulan ay 577ektarya. Ang mais ang ikalawang pangunahing pananim na itinatanim sa lawak na 123 ektarya tuwing tag-araw.

            Ang mga Licabeno ay nagtatanim rin ng mga gulay na may kabuuang lawak na 16 ektarya. Bukod sa mga ito, nag-aalaga rin dito ng mga hayop. Makikita sa  talaan ang bilang ng mga ito. Sapagkat napapaligiran ng mga ilog at mga tributaryo ang bayang ito, may mga palaisdaan na may kabuuang lawak na 38 ektarya.

            Sa pagsisikap ng Punong Bayan na mailapit ang suliranin sa pagsasaka, minabuti nito na anyayahan ang Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka. At noong ika-2 ng Setyembre, 2008, isang karangalan ng mga Licabeno ang pagbisita ng Kgg. Arthur C. Yap sa Licab kung saan isinama ang mahal na kalihim sa Kinatiktikan Creek. Ito ang nagsisilbing drainage at irrigation canal patungo sa mga barangay ng Linao, San Cristobal, Sta. Maria at Aquino. Inilatag ng Punong Bayan ang Proposed Swift Project at hiniling na maisakatuparan ang Small Water Impounding Project sa nasabing daluyan ng tubig. Nagbigay-pugay din ang mahal na kalihim sa tagapagtatag ng Licab sa Liwasang Dalmacio at natunghayan niya ang Kasaysayan ng Licab. Bumisita rin siya sa Bahay

 Pamahalaan ng Licab, kung saan ibinahagi ng Punong Bayan ang mga makasaysayan na naganap sa ating bayan. Nakipanayam din ang kalihim sa mga magsasaka ng Licab.

Samantala, pinangunahan ng Punong Bayan ang pagtatanim ng 1400 na ilang-ilang sa gilid ng Don Dalmacio Esguerra Avenue noong ika-12 ng Setyembre, 2008 bilang pasimula sa pagtatanim ng 10, 000 puno ng ilang-ilang sa lahat ng lansangan ng ating bayan.

EDUKASYON

            Isa sa pangunahing prayoridad  ng ating Punong Bayan ay ang edukasyon. Kaya’t siya ay nagpatayo ng mga silid-aralan, silid-aklatan at nagbigay ng kagamitan sa mga guro at mag-aaral. Ipinatupad din ang libreng edukasyon para sa mga mag-aaral ng pre-elem at tulong dagdag sahod para sa kanilang mga guro. Ang pagiging sistertown ng Makati ay magdudulot ng maraming pakinabang sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga scholarship program at mga libreng gamit sa ating mga paaralan.

IMPRASTRAKTURA

            Isa rin sa mahalagang proyekto ng Punong Bayan ay ang pagsasaayos ng Don Dalmacio Esguerra Avenue na pangunahing kalsada ng Licab.

            Sa unang bahagi ng panunungkulan ng Punong Bayan, isa sa nabigyan ng katuparan ay ang pagpapagawa ng tulay na matagal nang pinapangarap ng mg taga-Purok 7, Brgy. Sta. Maria na magsisilbing tagapag-ugnay ng bayan ng Licab sa bayan ng Zaragosa. Dito naninirahan ang halos isang daang pamilya na nagbuhat sa Concepcion, Tarlac na naapektuhan sa pagsabog ng Mt.Pinatubo. Itinuturing na ‘di pangkaraniwan ang pagpapatayo ng tulay na ito, dahil sa dugong inialay ng may 13 kabataan na tinuli sa pundasyon nito. Isang tradisyon at paniniwala na mas magiging matibay ang tulay kapag ito ay inalayan ng sariwang dugo. Ngunit higit sa lahat ito ay naitayo na walang ginugol na halaga ang  ating lokal na pamahalaan.

            Upang maayos at mabilis na mapaglingkuran ang mga kababayang maysakit, minabuti ng Punong Bayan na maiayos ang Pambayang Pagamutan sa pamamagitan ng paglalagay ng waiting area ang palagiang pagkakaroon ng gamot at ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga maysakit.

            Ipinaayos rin ang Pamilihang Bayan upang maayos na makapagtinda ang mga kababayang mangangalakal at maging ang mga mamimili.

MGA SIMBAHAN

            Ang mga taga-Licab ay malaki ang pananampalataya sa Panginoon. Sa katunayan, ang Licab ay may 2 pangunahing simbahang Katoliko, una ay ang Parokya ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosaryo.

            Ang ikalawa ay ang Simbahan ng San Isidro De Labrador na ipinagawa ng Punong Bayan bilang pagpupugay sa Patron ng Magsasaka. Ito ay matatagpuan sa Barangay ng Linao. Isa ito sa mga dinarayo ng mga turista na humahanga sa naiiba nitong arkitektura. Mapapansin na ang simbahang ito ay bukas sa sinumang nais manalangin sa lahat ng oras.

            Bukod sa mga simbahang Katoliko ay matatagpuan din sa Licab ang mga sambahan ng New Life In Christ Worship Center, Baptist, Methodist, Saksi ni Jehova, mga Kapilya ng Kapatiran ng Iglesia ni Kristo at Sambahan ng Espiritista.

UNANG KASALANG BAYAN

            Ipinagbubunyi ng mga Licabeno ang naganap na Unang Kasalang Bayan, kung saan 84 na magkasintahan ang sumailalim sa matrimonya ng kasal. Ito ay handog ng Punong Bayan na nagsilbing ninong ng lahat. Ito ay bilang pagpapahalaga niya sa pamilya. Karamihan sa mga ikinasal ay matagal ng nagsasama at may mga anak na, ngunit wala pang basbas ng simbahan, kaya’t malaking kagalakan ang dulot ng pangyayaring ito sa kanilang buhay. Sumunod ay isang malaking handaan ang pinagsaluhan.

MANGGAHAN HOTEL AND INLAND RESORT

            Ipinagmamalaki ng mga Licabeno ang Manggahan Hotel and Inland Resort. Ito ay isang bagong paboritong pasyalan ng mga nagnanais na makaranas ng tahimik at maaliwalas na kapaligiran. Ito ay itinuturing na landmark ng bayan ng Licab. Dito ay may sariwang hangin at kaaya-ayang mga tanawin. Kakaiba, magaganda at native ang mga istruktura. ‘Di mabilang ang mga turistang nawiwiling pumunta sa resort na ito na bukod sa mga puno ng mangga ay may mga inaalagaan ding native na manok at mga iba’t ibang uri ng gulay.

SA LARANGAN NG SINING AT KULTURA

            Ang mga kabataang Licabeno ay likas na malikhain at mahusay sa pagguhit kaya’t noong Nobyembre 2007, ang Punong Bayan ay naglunsad ng paligsahan sa pagguhit na ang layunin ay makalikha ng konsepto sa itatayong bantayog ng tagapagtatag ng Licab, Don Dalmacio Esguerra, kung saan lumahok ang mga mag-aaral mula sa mataas na paaralan. At ang nagwagi ay si Edgardo Tabios Jr., isang third year student ng St. Christopher Academy  siya’y ginantimpalaan ng labinlimang libong piso at four-year scholarship sa kolehiyo. Ang kanyang nilikha ay maitatala sa kasaysayan ng Licab.

            Ang mga taga-Licab ay mataas ang pagpapahalaga sa sining, mga kaugalian at tradisyon na minana pa sa  mga ninunong Licabeno. May mga samahan ng mang-aawit o haranista sa Licab na nagtatanghal sa iba’t ibang pagdiriwang.

            Isang pagtatanghal ang naganap noong gabi ng ika-28 ng Marso, 2008 na may temang “Balik-tanaw sa nakaranan, gabay ng kasalukuyan tungo sa maunlad na kinabukasan.” Ang pagtatanghal na ito ay ipinamalas ng mga magagaling na mag-aaral ng tatlong mataas na paaralan. Ang mga laro at sayaw na ito ay sumasailalim sa tatlong yugto ng ating panahon. Ito ay nagpapakita ng ating pagmamahal at pagpapahalaga sa ating kultura at kaugalian. Mga katangiang likas sa ating mga taga-Licab. Ang mga makabagong sayaw ay nagpapakita na tayong mga Licabeno ay handang humarap sa hamon ng makabagong panahon.

MOA MAKATI CITY-LICAB

            Isang makasaysayang pangyayari ang naganap noong Setyembre 25, 2008, kung saan mainit na sinalubong ng mga nanunungkulan at mamamayan ng Licab sa pangunguna ni Kgg. Willy S. Domingo ang Kgg. Jejomar C. Binay, Punong Lungsod ng Makati, Pangalawang Punong Lungsod Ernesto Mercado at mga Kagawad ng Sangguniang Panglunsod.

            Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumakay sa kariton ang Kgg. Jejomar C. Binay kasama ng Punong Bayan at naganap din ang pagbibigay-pugay o wreathlaying sa bantayog ng tagapagtatag ng Licab, Don Dalmacio C. Esguerra at sa pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

            Mainit din ang pagtanggap ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan sa pinuno ng pinakamaunlad na lungsod sa bansa.

            Nagkaroon ng pagkakataong magka one-on-one o makipag-ugnayan ang Kgg. Willy S. Domingo at Kgg. Jejomar C. Binay sa Tanggapan ng Punong Bayan. Maging ang mga bumubuo ng Sangguniang Lungsod ng Makati at Licab ay nagkadaupang-palad din.

            Sumunod ay ang pagpapakilala ng mga bumubuo ng Pamahalaan ng Licab at Makati. Gayundin, inilarawan sa pamamagitan ng Audio-Visual Presentation ang bayan ng Licab at Lungsod ng Makati.

            Ito ay isang makasaysayang programa na kailanman ay ‘di malilimutan ng mga Licabeno, lalo  na ang paglagda sa Kasunduan o Memorandum of Agreement  bilang magkapatid-bayan.

            Bakas sa mukha ng lahat ang kagalakan sapagkat ito ay isang panghabang panahong pagkakapatiran.

            Sa buong lalawigan ng Nueva Ecija, ang Licab ang isa sa napili upang mabiyayaan ng Kagawaran ng o DSWD sa kanilang 4P’s Program (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Ito ay ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilya sa ating bansa. Sa pakikipag-ugnayan ng ating Punong Bayan sa DSWD ang 1, 700 pamilya sa ating bayan ang mabibiyayaan ng programang ito. At ang bawat pamilya ay tatanggap ng P 1, 000.00 hanggang P 1, 400.00 piso buwan-buwan sa loob ng limang taon.

Ang pangyayaring ito ay isa sa mga hakbang bunga ng marubdob na mithiin ng Punong Bayan, Kgg. Willy S. Domingo na mapaunlad ang Licab.

ITO ANG ATING BAYANG LICAB..MAHALIN NATIN, IPAGMALAKI AT IPANALANGIN.. NA SA KABILA NG MGA HAMON AT PAGSUBOK, SA PANGUNGUNA NG ATING MAHAL NA PUNONG BAYAN, TAYONG LAHAT AY MAGPATULOY NA MAGING MATATAG AT NAGKAKAISA, TUNGO SA ISANG MAUNLAD NA BAYAN AT PARA SA KINABUKASAN NG ATING MGA ANAK.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>